My hollow block…for Des

Des

hmn…kelan kaya ang kasunod nito? i’ve been coming here everyday hoping to read more. hehe demanding ba?

Oo, sobra! Alam mo kasing labs na labs kita eh hehe. Pero teka, mukhang nakalimutan ko ngang meron pa pala akong isang blog dito ah! Tsk…bigla ko tuloy na-realize, mahirap pala ang multiple blogs. Nagkakaroon na rin tuloy ako ng multiple personalities.

But first (kasi labs nga kita), I wanna tell you how I write, Des, my dear friend. Ngayon mo lang mababasa ito hehe.

Alam mo naman ang byuti ko, I don’t “rant”, “rave” or “ramble”. Wait meron pa…I don’t “muse” either. O isa pa ulit, I don’t have that much angst. Ang Tagalog ba ng angst eh angas?

Question muna: What’s up with some bloggers and these ranting and raving? Tapos meron pang ramblings and musings? Eh putsa, I don’t even have an idea what rambling is. Lalo na ‘yang musings na ‘yan. Jeez! Who the hell muses?

None of the above for me, sorry (hindi ko kasi alam kung ano sila). But I have this thing I call “immersion”. Like bago ako makasulat para dito sa Rose in Cali, kailangang maglublob muna ako sa batya ng buhay-Amerika. You know, details, details.

Tapos meron pa akong isang idiosyncracy. I call it “the hollow block”. Writer’s block ang tawag ng iba rito. If I upped and left in the middle of a writing project or a topic, consider it gone. Hindi na ako makabalik. I cannot just sit down, bang away at my keyboard and finish what I started. Nope, can’t do that. I will try…and try again, but always nada, zero, zilch. Maybe I “move on” too fast? :lol:

Napansin mo, minsan, sasabihin kong “itutuloy” ang mga kuwento ko tapos, wala na palang kasunod hehe. If you look at my folders sa monitor, ang daming “unfinished” novels, short stories, etc. That’s why when I write, I don’t do outlines, drafts, nothing of that sort. Kasi mananatili na lang silang outlines at drafts habang-buhay LOL

I have to read what I wrote AFTER I have published it. Para malaman ko kung ano-ano ang pinagsasabi ko. Madalas, nababasa kong maraming “mura”. That’s when I edit. Nagtitira na lang ako ng konti haha :evil:

Para bagang may sariling isip ang mga fingers ko  at nagta-type na lang mag-isa nila. Shet, hindi kaya sinasaniban na ng kaluluwa ni Mark Twain ang mga daliri at kuko ko?

Can you imagine how I finish a 180-page novel? Nakakulong ako sa kuwarto, dinadalhan ng food. Paligo lang ang pahinga ko. Lalabas lang ako ng room kapag na-type ko na ang The End. No worries, hindi naman ako tinutubuan ng balbas. Bilbil lang…sa kakaupo. Usually, natatapos ko ang isang nobela in two weeks (naks).

Teka lang, ano ba ‘to? Kung saan-saan na ako napunta. Des, darleng, ang gusto ko lang sabihin eh, hindi ko na maituloy ang kuwento ko waaaah! Kainis.

Anyways, eto na lang ang nangyari sa dalawang doktora natin. Umuwi na dito ang ating dermatologist. She put up a clinic in Ortigas which is doing very well, thank you. Never, as in never, na raw siyang babalik sa US of A. To quote her sa karanasan niya, “Nightmare! Trauma!”

“They lived happily ever after” naman ang ating pediatrician. Sinundo siya ng boyfriend niya, they got married, and are now living in Ohio. She just gave birth to a beautiful baby girl at ninang ang byuti ko by proxy.

Haaay, all’s well that ends well. But wait… oh. my. God…. did I just muse and ramble in this blog?? Nooooooo!

Mmmm…sarap!

Myth #3 – Yuum! Naglalawa ang pagkain!

Food is a basic necessity. Eating three meals a day is a normal human activity like say, breathing. Para sa isang pangkaraniwang Pinoy, a “normal” meal consists of kanin at ulam. No more no less. Wait…kapag bagong suweldo, may kasama ng saging ‘yon pagkatapos kumain.

In western cultures, a complete balanced meal has soup in it for starters. Salads provide the gulay. Meron pa silang nalalamang “main course” where bread or potatoes take the place of rice and a big slab of meat is the deal. Minsan may side dishes pa like macaroni salad, corn on a cob or boiled peas. And definitely, because there is a God in the US, there are desserts like a slice of decadent chocolate cake or apple pie.

Sa atin, the soup IS the main course hehe like sinigang, nilagang bulalo, miswang may sabaw. Gulay IS also a main course like pakbet, chop suey, ampalaya con carne. Dessert is always fruit like saging na lakatan, saging na latundan or saging na saba :lol:

My point is…sa Pinoy psyche, kasama ang pagkain sa mga biyaya ng land of milk and honey. It has subconsciously been a part of the Great American dream, and always will be. Mahilig kumain ang mga Pinoy. Proof: America – The land of “milk and honey“. Pagkain , ‘di ba? Bakit hindi “land of better roads and big houses”? hehe :wink:

At ang mga bida ng ating telenovela, ang dalawang doktora, unknowingly busted myth #3. Sa “ang nakaraan” nila, walang kusina ang garaheng tinuluyan nila, ‘di ba? Paano sila magluluto? Hindi naman puwedeng kumain sila sa restawran three times a day. Homeless na nga sila doon, eh gagawin pa nating totoong pulubi (kulang ang kapiranggot na suweldo nila if they did that).

The correct term to use is patay-gutom, meaning namamatay na sa gutom, pakshet. Kaya ako nagmura kasi sa mga unang araw nila sa garahe, muntik nang mangyari sa kanila ‘yon. Buti na lang may guardian angel sila na ang pangalan ay Ella (LOL).

Hiningi ko sa Tita Alice ang isang lumang microwave oven niya at isang lumang rice cooker na nakatambak na lang sa garahe. They were still working kaya lang maliit daw. Ibinigay ko sa dalawang kaibigan ko. Eto ang question ngayon. Ano ang iinitin nila doon? LOL ulit. Kayo naman, of course, their angel got that problem covered as well hehe.

Nagluluto ako ng ulam for them, as in marami. I’ll bring it over in the mornings, ia-almusal nila ang iba, babaunin sa work at kung may matitira, ulam nila sa gabi. At may sub-angel sila in Tita Alice. Lahat ng left over pizza, KFC chicken, basta lahat ng sobrang food, pinapadala niya sa dalawang doktora. And she saw to it that the order was more than needed para laging may sobra. She is a kind soul, my tita (and to think she is not even my relative!).

Tinuruan ko sila ng amazing trick ng mga Pinoy kapag walang pera. And Mexicans, too, for that matter. Hanapin nila ang mga wholesale stores or warehouses na malapit sa kanila, like Sam’s Club o Costco. In this case, kailangang member ang isa sa kanila, kaya may konting puhunan.

Pupunta sila doon pag weekend (kasi mas maraming freebies kapag weekend market days). Halos lahat ng mamahaling food product may patikim sa bawa’t kanto ng aisles. May demo ng food prep, as in mainit pa at bagong luto ang ipapatikim sa iyo. At malaki ang difference sa mga patikim doon at mga patikim dito sa atin.

They give you a big slice or serving. Hindi tulad dito na malaki pa ang butas ng ilong mo at kailangang sungkitin ng toothpick haha! Doon, may kasamang plastic fork at nakalagay sa maliit na paper platito. And you can ask for more, they don’t care. Dito sa atin, isang tikim ka lang ng product nila na kasinlaki ng kuko mo at huwag ka nang magtangkang humingi pa ulit, jeez!

Sa Sam’s Club, on a given weekend, I counted 12 food products with free tasting. Grabe, ‘day, smorgasbord hehe. Parang lunch buffet. May free sample pa ng mga juice o breakfast drinks. O ‘di ba, pati panulak, libre. Paglabas mo ng store, bundat ka na, sabay dighay ng walang humpay :lol:

O kung feeling proud ka naman at may $2 ka sa bulsa, doon ka na lang kumain sa hotdog stand ng Sam’s Club sa harap. I’m not sure kung less than a dollar pa rin ang presyo pero higante ang hotdog nila. And with all the works ha. Ikaw ang maglalagay ng catsup, mustard, onions, mayonnaise and free refill ang drinks. Puwedeng-puwede nang tanghalian, kasama na doon ang hapunan :roll:

O, ‘di ba? What did I tell you? Survival of the hungry but penniless (hindi halata) nyahaha!

Ang mga doktora (part 2)

Myth 2: dalawa-singko ang kotse sa Amerika

Again, whether we admit it or not, kasama sa pangarap natin ang sasakyan…a sleek, fast, red sportscar, a monster truck, a serviceable van, o mapormang pick-up o SUV. At akala natin, pagdating natin sa land of milk, honey and beautiful cars, magmamaneho tayo agad ng mga ganito. Wrong again.

Dadaan ka muna sa pagsakay sa public bus nila. SOP ‘yon hehehe. Puwera na lang kung anghel talaga ang tinuluyan mong kamag-anak at wala siyang gustong gawin kundi i-drive ka kung saan ka man pupunta. Which, in truth, is only in your dreams. Ika nga, guys, managinip ka nang gising nyahaha!

At huwag magtangkang sumakay sa mga cabs. Don’t even dare…well, at least not when you’re in California…where a 15 minute drive eh mula sa Manila hanggang Tagaytay na. The West Coast is known as the mecca of the freeways with a general speed limit of 60-70 mph.

Converted to kilometers per hour it’s more or less 110 pero take note, walang trapik at walang stop lights. Therefore wala kang tigil nang kakatakbo sa highway hanggang tubuan ka na ng ugat sa kotse mo. You can imagine kung magkano aabutin ang mga taxi doon.

la_city_hwys.jpg

LA freeways

Anyway, balik sa mga doktora, ang ating heroines. Hindi lang bahay ang naging problema nila kundi ang mobility nila. Paano papasok si Doc Lilo sa trabaho (para may pambayad sa upa ng garahe nila?). Wala silang kotse…at wala ring trabaho si Doc Stitch. Uulitin ko, they cannot work legitimately in any US hospital or any medical establishment. No permit to work at hindi lang ‘yon, they have to pass a certain qualifying exam….or exams.

Sooo…dapat mag-commute sa bus ang byuti ni doc, wala nang ibang paraan. Walang jeep doon, ano! Tumawag siya sa 1-800-COMMUTE. Wala naman siyang computer para tingnan sa internet ang timetable ng mga bus hehe.

Sinabi sa kanya kung anong number ng bus ang dapat niyang sakyan para makarating sa West Covina kung nasaan yung Pinoy clinic. At…ito ang mahalaga….kung anong oras dumadaan ang bus sa lugar nila. Dalawang bus ang dapat niyang sakyan (meaning she had to transfer to another bus) at every hour lang dumadaan sa bus stop.

Kung 9 am ang opis ni doc, kailangan siyang gumising ng 6 am, mag-almusal at magbihis ng 30 minutes. maglakad ng another 20 papunta sa bus stop, bumiyahe ng dalawang oras sa bus.

cali-bus.jpg

Nyahaha :lol: Sounds familiar, eh? Yup , parang daily sked sa Pinas ng mga opis worker, no? But with a big difference, guys, walang trapik ito. Nauubos lang ang oras mo sa kakahintay sa susunod na bus. ‘Yung napapanood nating scenes sa sine na humahabol at tumatakbo sa gilid ng bus ay totoong nangyayari.

Kapag na-late ka ng isang minuto sa bus mo, maghihintay ka ulit ng isang oras para sa susunod. Ok ba? The bus driver god waits for no one hehe.

Pauwi naman ay reverse lang ng route mo papunta, therefore, out of the opis ka ng 5 pm, darating ka sa bahay mo ng 7:30 pm. Not a minute more, not a minute less. Eksakto ang mga bus doon, to the minute. ‘Wag ka nang magtangkang mag-OT, kasi wala ka nang masasakyan pauwi. You have to run, lowly worker, run for the bus!! harhar

For several months ganoon ang schedule ni doc. Si doc na di sumayad sa putik ang mga paa sa Pilipinas (remember, may driver dito at hatid-sundo ang byuti niya). But if she had a car, 20 minutes lang ‘yon to and from work.

At si doc Stitch nga pala ay nakakita naman ng trabaho sa isang flower shop na Pinoy ang may-ari. One upside of her story? Natuto siya ng mga flower arrangements hehehe :smile: Btw, baka nakalimutan ‘nyo eh, dermatologist si doc Stitch, ala Vicky Belo.

(itutuloy ang susunod na kabanata)

Myth buster#1- Ang mga doktora

jan.jpg

Myth: Your relatives in The US “honestly” love to have you stay with them kahi’t forever hehe

Siguro naman may ideya na kayo na dito sa Pinas, bago ka maging doktor eh magluluwa ka muna ng sandamakmak na pera. Ibig sabihin may kaya ang magulang mo, right?

I know these two doctors personally. One is a dermatologist and the other is a pediatrician. Mga bagong graduates sila and had been practicing medicine dito sa atin for almost a year.

Let’s call the pediatrician Lilo and the dermatologist Stitch hehe. Nagbakasyon ang magkaibigang ito sa US of A. Tumira si Lilo sa tita niya sa LA. I mean nakitira pala and shared a room with one of her cousins. Si Stitch naman eh sa Michigan napunta.

Sa umpisa, naaliw si Lilo sa pasyalan at pagkain. After a month, nahalata niyang medyo nagbabago na ang ugali ng mga kamag-anak na tinutuluyan niya. Deretsahang sinabihan siya na tungkulin niyang linisin ang mga banyo (tatlo ang bathrooms) and the big yard as well.

Okey lang daw sa kanya ‘yon. Walang maid sa Amerika so she should help out with the chores…..kahit hindi siya nakaranas maglinis ng banyo sa buong buhay niya. They had two househelps, a cook, a gardener and a driver back home. Ang masakit pa, she had a personal yaya kahi’t malaki na siya hehe.

On top of that, she had to wash the dishes every night. After a while, pinalilinis na rin ng pinsan niya ang room nila hehe. Okey, magtatanong kayo why she stayed. The reason why she was in the US in the first place was the love of her life. Nandoon ang boyfriend niya. Nasa Ohio nga lang. O, di ba? Sabi ko sa inyo bwisit sa buhay ‘yang pag-ibig eh.

Anyway, tuloy ang kuwento. May nag-alok sa kanya ng trabaho bilang doktor pero wala siyang lisensya to practice medicine sa US. But….alam ‘nyo naman ang mga Pinoy, nagawan ng paraan si Lilo (Pinoy ang may-ari ng clinic eh). Siyempre, dahil colorum, maliit na ang sweldo, under the table pa. I won’t go into details kasi baka may nagbabasa nitong taga-INS nyahahaha!

Lilo decided to leave her tita’s house after a heart-rending shouting match with her cousin. Lilo’s friend, Stitch, flew to California para damayan ang kaibigan niya. They looked for an apartment. Tourist ang visa nilang dalawa therefore no apartment in California will allow them to rent. They ask for your SSS number and credit history, fyi.

If you have been to Cali, you will know what an “in-law” is. Usong-uso ito sa mga bahay ng mga Pinoy lalo na sa San Francisco where the cost of rent is prohibitive. They convert their garage into a studio or a one bedroom unit tapos pinauupahan nila. Minsan may sariling banyo ito, pero madalas eh wala. Wala ring bintana hehe.

May nakitang “in-law” ang magkaibigang ito sa LA. Pinay ang may-ari ng bahay. This was a one-car garage so you can imagine kung gaano ito kaliit. Sa labas ang banyo (parang outhouse eh no?) Walang kusina. Walang bintana. Actually, walang kahi’t na ano. Isang lumang kama lang at isang silya ang kasya.

The day she left her tita’s house, tinawagan ako ni Lilo. Kung puwede ko raw siyang sunduin (this means I was driving na but that’s another story). Malayo sila sa bus stop. Muntik na akong maiyak sa dinatnan kong itsura ni Lilo sa harap ng bahay ng tita niya.

Nakakalat ang isang maleta at maraming plastic grocery bags sa bangketa. No tita, no cousin, nobody was there to say goodbye. Habang nililipad ng hangin ang mga plastic bags niya, nakaupo sa bangketa si Lilo, may luha sa mata. Mukhang kawawang homeless na itinapon sa kawalan ang doktorang ito.

(Itutuloy)

pic hiniram po sa google

Myth buster

Mga kababayan ko, believe it or not, hindi puro sarap ang buhay ng mga kapwa natin Pinoy na bagong salta sa Amerika. Lalo na ‘yung mga taong pinili ang magtiis sa hirap kesa umasa at makitira sa mga kamag-anak nila.

In my short stay in “the land of milk and honey”, napatunayan ko ang kasabihang “there is no place like home” sukdang wala na tayong kinakain dito. Marami akong narinig na kuwento, mga pathetic na istorya ng mga Pinoy, minsan ng isang buong pamilyang Pinoy pa.

Base sa mga kuwentong ito, I concluded na mas masarap ang buhay ng mga OFW sa Middle East counties or any other country, for that matter. Kasi po, kaya nga OFW ang tawag sa kanila, W means worker.

Pagdating nila sa destinasyon nila, may naghihintay na trabaho sa kanila. Kahi’t na sabihin pang domestic helper pa ito o katulong, in other words. Trabaho pa rin ‘yon. Kikita ng pera. May nakalaang tirahan sa kanila, minsan provided pa ang mga sasakyan at pagkain nila. ‘Yon ang malaking kaibahan nila sa mga taong “naloko” ng ilusyon ng buhay-Amerika.

Ask an average Filipino, ke mayaman , ke mahirap, kung ano ang ideya niya sa “Amerika”. Pustahan tayo, mangingislap ang mga mata na para bagang kapag nakatuntong siya sa bansang ‘yon, wala siyang gagawin kundi sumalok ng dollars. Mga dolyares na napupulot at natitisod sa daan.

Nai-imagine niya ang sarili niya sa mansyon at carpeted ang sahig na nilalakaran niya. Napapangiti siya dahil naiisip na niya ang BMW o Mercedez sports car na mamanehohin niya. Ang mga branded na damit at rubber shoes na sa wakas eh mabibili na niya. At kung manyak man siya, tutulo na ang laway niya dahil nagkalat sa daan ang mga buhay na Barbie dolls na halos hubo at hubad na.

Ask an average Filipino….I’ll bet my bottom dollar, isasanla ang kaluluwa niya, makarating lang sa Amerika. Sagot sa lahat ng problema niya – visa sa Amerika. Kahi’t sa totoo lang, hindi-hindi niya aaminin ito sa inyo, lalo na sa sarili niya.

Ang susunod na issues ng blog na ito, mga kuwento ng mga Pinoy sa Amerika…mga taong nagising sa totoo. At kung paano niluluto ang American adobo.

Soli bayad

Dito sa atin, kapag may binili ka sa department store at huli na ang lahat nang madiskubre mong kay sagwa pala niya, maninigas ka na lang. Meaning halos lahat ng shops dito sa atin eh, “no return, no exchange” policy.

Medyo pinapauso na nga pala ng ibang stores dito sa atin ‘yang nagsasauli ng mga nabili na pero dadaan ka naman sa butas ng karayom. Kailangang isoli mo within a very short period of time ang nabili mo. Meron nga akong nabasang resibo na kung gusto mong mag-sauli ng merchandise, kailangan sa loob lang ng 24 hours, sumusugod ka na ulit pabalik doon.

At take note, ha! Hindi mo siya isosoli, papalitan mo siya ng ibang bagay na pareho ng halaga. Most stores here will not return your money. Kamukat-mukat mo, you will end up paying more kasi mas mahal ‘yung ipinalit mo.

When it comes to shopping, guys, aaminin ko sa inyo, iniibig ko ang Amerika!! You can return stuff, or exchange them for other goodies to your little shopper’s heart’s content. Hindi ka aabutin ng delubyo sa pagpili ng mga bagay-bagay kasi kung sakaling ma-realize mong ayaw mo pala sa kanya pag-uwi mo, puwede mong isoli. And they will return your money to the last cent, kasama na ang tax.

One time, nagsoli ako ng shoes sa isang tindahan dito. Joskohday, pinag-mitingan pa yata ng board of trustees yung sapatos ko haha! Aba eh ‘yung manager na ang humarap sa akin eh. At ang tagal po, kehaba ng proseso. Naku gusto ko na lang ngang i-donate ‘yung sapatos sa mga nasalanta ng bagyo eh. Mas maaaga pa siguro akong nakauwi.

Sa Amerika, may counter na talaga ang mga stores for “return and exchange” at may empleyadong haharap sa iyo. palagay ko nga mas maraming nagsosoli doon kesa bumibili hehe. Oist, at walang tse-tse-buretse. Ni hindi ka tatanungin kung bakit mo sinosoli. basta ibigay mo ang resibo at ang goods and you’re done. And some stores even allow a whole month for returns.

Kaya lang, marami tayong kababayan doon na may pagka-cheap. Noong bagong dating ako, may nag-tip ba naman sa akin ng ganito. Pag may party raw akong pupuntahan, bumili raw ako ng mahal na damit. Tapos isuot ko pero ‘wag ko raw tanggalin ang tag. At never, never wear perfume. Mahahalata raw na ginamit ko na. Pagkatapos ng party, isoli ko na. O, di nakalibre nga naman ako ng mamahaling damit.

Joskohday, ang cheap naman. Pero huwag ka, maraming gumagawa ng ganyan. Alam mo naman tayong mga Pinoy, basta maka-isa lang. Kaya nga uso dito sa atin ang “no return, no exchange”. Naku ha, baka nga pati mga puti gawain din ‘yan, no!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.