Amerika….sa mata ng isang FOB. ‘Yan ang pag-uusapan natin dito ngayon. FOB – Fresh Off the Boat. Bagong salta, promdi. Mainit-init pa ang puwit sa pagkakaupo sa eroplano. Teka, mali. Sa pagkakasiksik pala sa silya sa economy class na mga dwende lang ni Snow White ang kasya. Puwede na rin ang mga barkada ni Frodo.

Eto nga pala ang pagkain sa eroplano (economy class) Mukhang appetizing pa ang nabibili sa karihan sa kanto hehehe
Nang malapit nang lumapag ang eroplano sa lupang hinihirang ng maraming Pinoy, nakita ko mula sa bintana ang mga sasakyang nakaparada sa….teka hindi ko alam kung ano ‘yun. Basta nakahilera sila doon, pantay-pantay, at kasinlalaki ng mga match box na mukhang pinagtiyagaang ayusin ng isang bata. Wala ni isang sasakyang lumampas sa guhit.
Hmmm….interesting. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon. Dito sa atin, basta may butas na masisingitan ang driver, hala siksik. Kahi’t hindi na mabuksan ang pinto ng sasakyan. Minsan problema pa ng driver at pasahero kung paano sila makakalabas ng kotse nyahahaha! Bakit masyado yatang maayos ang parking sa bansang ito? Hindi kaya tindahan ng kotse ‘yon? Pero bakit nasa airport?
Pagbaba pa lang ng eroplano, kandahaba na ang leeg ko at pilit na tinatanaw ang pinto palabas ng airport. Oy, hindi pa ako pinapanganak ni Nanay eh pangarap ko na ‘to, no. Ilang hakbang na lang, tatlo na lang yata ,sasayad na ang sapatos ko sa lupa ng Amerika bwahahaha!
Naku ha, hindi pala siya tatlong hakbang. Waaah! Pumila pa kami para patatakan ang passport namin sa mamang kung ano-ano ang tinatanong na hindi ko naman maintindihan. Isang tanong lang ang nasagot ko nang mahusay. Business or pleasure? May kasunod pa yon na kung gaano katagal ko balak na magkaroon ng pleasure. At kung saan ako magi-stay habang naghahanap ng pleasure. Jeez, man, enough already! Kahi’t isang araw lang ang itatak mo para sa pleasure ko , puwede na rin! Kulet noh!
Hala, halos itulak ko na ang mga nasa unahan kong ke-babagal lumakad. Naku, shet, muntik ko nang makalimutan may maleta pala ako hehehe. Abala naman sa buhay ko ’to , oo. Ella<—balik sa carousel. Bakit ganoon? Mukhang gutay-gutay na ang mumurahin kong maleta? Hinulog ba ‘to nung nasa ere pa lang ang eroplano? Hmp! kesehoda! Kumuha ako ng cart (ginaya ko ang kasama ko hehehe) at isinalpak doon ang maleta ko.
Halos makasagasa na yung cart ko sa sa pagmamadali ko, fall in line pa nang fall in line, eh. Ang hilig namang pumila ng mga tao rito. Ano na naman ba ‘tong pinipilahan namin? Haaay salamat! Pintuan na yata yung natatanaw ko!
O, mga “declare” naman ang tinatanong ngayon nung mama. ’Yung mga laman siguro ng maleta ko na gagamitin ko sa binabalak kong pleasure. Syempre, mabilis nila akong pinakawalan dahil wala naman akong itinatagong tuyo at itlog na maalat. Jeez, what’s up with Pinoy tourists and tuyo ba?
At last, ang pinto….ang pintong magluluwa sa akin patungo sa land of chocolates, corned beef at Spam. Ang state na kasinlaki ng buong Pilipinas, ang lugar na may sandamakmak na artista! California, here I come! hehehe

Saan man mapadpad, saan man mapunta, ako pa rin ang inyong ate Ella
Posted by mike on October 14, 2006 at 2:40 am
hmmmm bakit kaya na coin yung phrase “fresh off the boat” di pa siguro uso eroplano dati marami ng pinoy dumadagsa sa US hehe, di pa siguro ganong kahigpit ang security when you arrived sa california, grabe gayon dami ng bawal hehe, i remember sa story mo sa 88 hand carry mo lang eh isang plastic bag
Posted by sham23 on October 14, 2006 at 9:19 am
buti naman meron kang ginawang kwento tungkol sa travels mo!!!! ^_^
*another blog to lurk*
Posted by ella on October 14, 2006 at 12:43 pm
Mike,
If I’m not mistaken it is the term used for the original immigrants who landed on the East Coast and were processed on Ellis Island. They came on ships and boats then, di ba?
Posted by ella on October 14, 2006 at 12:44 pm
Hi Sham dear,
Salamat naman at nasundan mo ako dito hehehe. Daldal talaga ang byuti ko eh lolz Kulang ang isang blog hehe
Posted by mistiquo on October 16, 2006 at 4:19 am
ms ella:
natukso na rin akong sumunod sa blog mo dito…pa lurk po ha
Posted by ella on October 16, 2006 at 9:14 am
Ei mistiquo,
Why lurk? You can always leave a comment. I’ll appreciate that. And did you notice my URL? rosamistika? hehehe babaeng mistiquo. cute ha?
Posted by emily g on October 16, 2006 at 2:50 pm
ella,
just checking this site. palagi naman kitang sinusubaybayan …your insights are very interesting and funny…magaling kang magkwento..parang nasa tabi lang kita na barkadang nagkukwento..ano na nga pala ang progress ng plano mo noon na mobile library?
just keep me posted kung anong pwede kong ma-contribute. (ba’t ang laki ng font nitong tinatype ko?) God Bless.
Posted by emily g on October 16, 2006 at 2:52 pm
sorry …i think i double clicked…parang echo tuloy yong comment ko.
Posted by ella on October 17, 2006 at 12:19 am
dearest emily g,
hehehe na-double click nga. na-delete ko na yung isa. Natawa ako dun sa echo hahahaha!
Medyo nahirapan ako sa mobile library ko. Yung logistics ba? I need a van ( and funding syempre) kaya tinityempuhan ko ang mga pulitiko and NGOs kung matutulungan ako dito. You know, sulat dito, sulat doon.
I have your email addy and all those who want to help. Pag may sasakyan na tayo, we’re ready to roll. Tao na lang ang kailangan ko .
If you have some books ready, you can send them to the National Bookstore Foundation kung gusto mo. Para makatulong na agad sa mga bata. Just tell me and I’ll contact them for you.
Posted by mistiquo on October 17, 2006 at 1:59 am
thanks ms ella for your your personal response
censya na hindi ako mahilig…or di pala sanay mag-”comment” sa trabaho ng iba hehe
anyway, you’re right, rosamistika could be a babaeng mistiquo, i don’t know if that will add to your character or that will tarnish your reputation…pero i know, you’re not related to mystica, aren’t you? [hehe, nagduda pa...]. ako rin hindi =)
anent a comment above, sino na bang mga congressmen ang na-approached mo for your mobile library project? meron ka na bang feasibility study on the project? btw, hindi ako congressman ha…email mo na lang sa kin sagot mo in case, baka sakaling makatulong ako sa project mo
dami kong sinabi, censya na
Posted by 5Singko on October 17, 2006 at 5:35 pm
Naglilibot dito sa wordpress world at natisod sa iyong blog… hahahah nakakatuwa – anyways, yung FOB ay pangalan ng gang dito sa North America (mga Viets at Cambodians) – tapos ang kalaban nang mga iyan ay yung FOBK or FOB Killers. Sana naman ay nag enjoy ka sa iyong bakasyon – subukan kitang i-link doon sa blog-blogan ko http://limasinko.wordpress.com/ kaya lang medyo hindi pa ako gaanong marunong mag mando doon -so i will try my best!
Again i really enjoy the articles here…
Posted by ella on October 17, 2006 at 10:47 pm
Hello there 5singko,
Dumalaw na ako sa blog mo. You write well, btw. At saka ni-link na kita . Naunahan kita nyahahaha!