May kuwento ako sa inyo. Nakakahiyang ikuwento kasi ito ay isang patunay na salbahe ako hehehe Nag-iba lang ng venue, pero salbahe pa rin.
Noong bagong dating ako sa Merika, takot na takot ako kapag kinakausap ako ng mga puti. Ewan ko ba, nasanay naman akong makipag-usap sa mga foreigners, ‘di ba? Pero iba pala ‘yung nakapaligid sa iyo ang mga foreigners na ‘yan at nagkalat sila kahi’t saan ka lumingon, no? Ay teka lang, ako pala ‘yung foreigner, sorry. Dati na nga pala sila doon
Siguro, hindi ko kasi maintindihan ang pinagsasasabi nila. Lalo na sa California. May kakaibang accent ang mga tao roon. Noong high school, napag-aralan natin ang kinds of sentences. May statement (period sa huli), may interrogative (question mark sa dulo) at may exclamatory (exclamation point sa huli). Kapag oral ang dating, may kanya-kanyang tono sila, di ba?
Eh, anak ng tokwa, bakit ba ang Californians, lahat ng sentences nila interrogative? Sagana sila sa question mark! Parang lagi kang kumukuha ng oral exam, eh. Feeling ko kapag may kausap akong puti (lalo na ang mga babae), kailangang lagi akong handa sa YES or NO ko or else bibitayin ako.
Example: (pag may question mark, ibig sabihin noon, patanong ang tono nila). “You know what?? I just came from Ralph’s?? And they have this big sale?? On lipsticks and all sorts of make-up?? But they don’t have the shade I’m looking for??”
Ikaw namang si kausap, wala kang gagawin kundi tumango nang tumango, oo nang oo, para kang ‘yung mga laruang aso na nilalagay sa likod ng kotse, na galaw nang galaw ang ulo pag umaandar. Why oh why? Jeez, just tell me, girl don’t ask me!
Okey, meron pa silang isang bisyo na talagang kinaiinisan ko. I know I’m being weird here kasi dapat nga maaliw ako eh. Kapag nagkamali kang mag-brisk walking sa umaga sa neighborhood ninyo, o mag-stroll sa mga bangketa ng Sta. Monica Blvd., o maglakad ka lang sa kanto para bumili ng suka, humanda ka sa pangungumusta ng mga puting makakasalubong mo. Kahi’t hindi mo sila kilala.
Every morning, naglalakad ako sa paligid ng lugar nina Tita Alice. Exercise kuno pero sa totoo lang nag-uusisa ako sa mga itsura ng bahay nila :smile:. Marami akong nakakasabay sa morning walk na ito. Andiyang mga senior citizens, mga “walking their dogs”, o mga tulad kong nage-exercise.
At every morning din, nalalaman ng buong neighborhood na “I am fine, thank you”. Lahat kasi ng makasalubong ko, ngingiti (minsan may kumakaway pa, ewan ko kung bakit), titigil sandali sa paglalakad, sabay sabi ng “Good morning! How are you?”
Noong una, nalito ako. Shet, kilala ko ba ang mamang ito? Siya ba ang nawawala kong lolo? Pero wala na akong time para malito. Kailangang sumagot ako or else magpanggap na bulag o bingi o ngongo.
For several weeks, “I was fine, thank you”. And I was wondering kung talagang interesado silang malaman how I was that day. Or why were they doing this like it was a habit they could not control. Isang araw sumumpong ang kasalbahihan ko.
Aleng nakangiti: Hi! How are you this fine morning?
Ako: (biglang na-ngongo sabay iyak) My ngat naynd nis mo-ning. I ngrayd en ngrayd mat in was nen. Translation: My cat died this morning. I cried and cried but it was dead
You can imagine kung ano ang itsura ng mukha nung ale. Tinapik-tapik ang likod ko. Ako naman yumakap sa kanya at lalong bumunghalit ng iyak. Matapos niyang mataranta ng ilang minuto, biglang nagpaalam. “Okey, see you around”. Bad Ella
Ginawa ko ‘yan sa lahat ng nagsabi ng “how are you?” sa akin for one week. Iba-ibang pet ang namatay. Andiyang may aso, may ibon, may hamster. Minsan may ahas pa eh haha
I had a very productive week. Iniwasan na nila ako after that. Aaminin ko, na-miss ko rin sila, those lonely people……..and my dear departed pets. Bad, bad Ella tsk.
Conclusion: Yup, it was just a form of courtesy. Some were genuinely friendly, though. But nobody really cared if I was petless for the rest of my life or why I was talking “ngongo”. And not even one remembered what kind of pet died…was Cutie a hamster or was it a cat?

Saan man mapadpad, saan man mapunta, ako pa rin ang inyong ate Ella
Posted by mistiquo on February 9, 2007 at 9:29 am
salbahe mo, ate ella! naughty-naughty hehe
Posted by Ana on February 13, 2007 at 1:57 am
hi. just want to say you made my day 2day…. i was searchin for something and i dunno what lead to your wordpress but girl i am enjoying what my eyes are reading! God bless! keep it up. you’re great!
Yeah you’re naughty… and i like it! heheh peace!
Posted by ella on February 14, 2007 at 11:00 am
Mistiquo,
oo nga eh hehe Awa ako sa mga pets ko
Posted by ella on February 14, 2007 at 11:03 am
Hi Ana,
Thanks. You made my day, too. Sarap basahin ng comment mo. Hindi lang 2 beses ko siyang binasa.
Posted by armando on February 16, 2007 at 9:11 pm
hi! i happened on your site about 2 weeks ago and i love it! you are naughty but really funny. i grew up here in canada and the people are the same— mostly courteous and polite. keep up the good work.
Posted by ella on February 17, 2007 at 4:24 am
Hi Armando,
Can you understand Filipino pa rin? If you can, bow ako sa mga parents mo. They saw to it you did not forget your roots. Thanks for the compliment nga pala. See you again!
Posted by roczane on August 16, 2009 at 12:33 am
hi Ella! i read about you in FHM that a friend bought for me back in the philippines.very interesting yung story so i googled you and ever since,i always check out your blogs,ngayon lng ako nagcomment hehe.i love reading your blog entries,nakakawala ng stress pagkatapos ng work =).and like what Armando said,ganun nga sila dito sa canada,very polite.anyways,keep on making people smile =)
Posted by Gie L on October 24, 2009 at 4:33 pm
You made my day!!! I can’t stop laughing, girl you’re really something.
Posted by azure on November 14, 2009 at 12:57 pm
HAHHAHAHAH! Ayos ka! Isa kang Ulirang Nilalang! ™