Waaah! Hindi lang isang beses ako tinanong ng ganyan, guys! Lalo na kapag kumakain ako ng japche sa Korean restaurant. O kaya bulgogi hehe. Ang hilig ko kasing kumalat-kalat sa Korea town eh. No, seriously, sa tinagal-tagal ko sa US (naks akala mo naman doon na tumanda eh no?) nobody, as in nobody has ever asked me “are you a Filipino?”
Siguro dahil lalo akong namutla sa weather nila? O siguro dahil sa tsinita kong mata? Minsan sumakay ako ng bus papunta sa kung saan. Daming mexicans. Naku ha, may mamang nagpapa-cute sa harap ko. Ang mga bus kasi doon magkaharap ang mga unang upuan, patagilid ika nga. Panay ang ngiti ng mama. I was sure ako ang nginingitian niya. Hello? Puro senior citizens ang mga katabi ko no!
I was warned against talking to strangers. Or encouraging these types. So, para hindi siya ma-encourage to smile more, I did not smile back. Kinalikot ko na lang ang bag ko. Palihim kong sinilip ulit ang mama. Aba at nakatitig pa rin sa akin at nakangiti pa rin ang baliw. Shet, gusto ko na siyang tanungin ng “oy, what’s so funny ha?”. Hmp, nagtulug-tulugan na lang ako.
Palihim ko ring tiningnan ang dibdib ko, syempre hehehe. Baka lumitaw na ang dede ko eh hindi ko pa alam. Maya-maya, nagulat na lang ako, katabi ko na siya! At bigla kamong nagsalita ng Mexican. Ang daming sinabi at saka ang bilis pa. Ang nasabi ko lang eh “Excuse me? I’m sorry, I don’t speak Spanish.” Waaah! Akala pala niya Mexicana ako. Ako yata ‘yung kababata niya noong araw sa barrio niya sa Mexico waaaah!
In fairness naman sa mama, nag-sorry ng kutaku-takot. Sabay tanong na “You Korean?” Joskohday, Pinay ini, ano ba? Napagkakamalan akong Korean, Chinese, Japanese, Thai, Mexican at higit sa lahat tunay na Californian mwahahaha!
Alam ‘nyo, nung medyo nakahalata ako na hindi talaga mahulaan ang nationality ko, ganito na ang style ko sa mga bagong kakilala. “Hi, I’m Ella Rose. I’m a Flipina.” O, loko, di kahit wala silang pakialam kung ano ako, mapipilitan silang kumustahin ang Pilipinas LOL.

Saan man mapadpad, saan man mapunta, ako pa rin ang inyong ate Ella
Posted by mistiquo on February 19, 2007 at 8:12 am
ate ella, umaandar rin pala sa amerika ang pagiging chameleon mo…hehe…but of course, always a proud pinay
Posted by ella on February 20, 2007 at 10:52 am
Hi Mistiquo maylab,
O di ba? We talked about it na, ‘yung iba-ibang mukha ano? Depende sa mood. Musta anniversary celebration ninyo? Kilig ba?
Posted by mistiquo on February 22, 2007 at 6:24 am
lagi naman akong kilig eh…nagtampo pa nga sya hehe
nag leave kasi kami sa offices namin..nag breakfast sa may manila bay…tumuloy sa office of the city prosecutor ng manila, tapos sa department of justice, hindi na nakapaglunch, nakipag meeting kami sa tesda…ayun hapon na natapos…balak talaga namin maglunch sa tagaytay pero kinain ng trabaho ang oras haaaaay…nagtampuhan dahil sa tagal ng 2nd meeting ko sa tesda…nagareglo na rin…ayun kumain na lang sa greenbelt2 ng dinner…umuwi na afterwards…hanggang sa next anniversary na lang uli…
the following day balik sa office…uwi ng maaga…tumuloy sa global city at sumundo sa mga anak ko and classmates ng panganay…dahil bday ng panganay noong Feb 10…nagparty sila sa National Sports Grill…nag timezone…nagsine ng ghost rider…nagsleepover kami sa condotel with her classmates…saturday na nag-uwian…kakapagod…14 yrs old pa lang yon…napakagastos haaaaay…pero enjoy pa rin and no regrets