Handaan. Nandito ang malaking diperensyang nakita ko sa mga Pinoy doon at dito sa atin. Dito sa Pinas, lalo na kung fiesta o kasalan o bertdeyan, kapag kinumbida ka, madalas hindi lang katawan mo ang bitbit mo. More often than not, may bitbit ka pang ibang tao kahit ikaw lang ang kinumbida. Ewan ko lang kung uso pa ito pero isasama na rin ang buong pamilya, makalibre lang ng isang tanghalian hehe.
Kakaiba naman ang ugali ng mga Pinoy doon sa Amerika. Lagi rin silang may bitbit kapag kinumbida sila. Pero hindi buong pamilya nila, ha. They bring food, desserts and/or wine and spirits. I’ve seen some who even brought party give-aways for the other guests.
Siguro kasi mura lang ang food doon as in a big tray of Korean barbecue will cost you less than $15. Do not convert to peso or else mahal nga sa tingin ‘nyo ‘to. A good sized apple pie goes for $6 or $7. And a big sampler of cheesecake from Chessecake Factory at Sam’s (with 12 thick slices, I think) is more or less $12. A moderately good wine, less than $10.
Kaya you can imagine, kahi’t dalawang putahe lang ang handa ninyo, invite ten guests, biglang labindalawa agad ang klase ng pagkain sa mesa ninyo. I’ve seen this happen everytime. Walang paltos. Pero madalas, Pinoys cook Pinoy food to bring to a Pinoy party, like adobo, laing, lumpiang sariwa, lumpiang shanghai, kaldereta, kare-kare. Miss nila talaga ang pagkain natin. And there’s really nothing like good old home cooking.
Another thing na kapuna-puna, nobody as in nobody uses their good china for serving dishes. Nakalagay lahat ang mga ulam sa big aluminum trays. Formal platings are only done at sit-down dinners. Ang gamit ng mga bisita? Paper plates! Tapos laging may giant plastic trash bags sa isang sulok para doon mo na lang itatapon ang kinainan mo. Kanya-kanyang tapon, ha.
One reason, I suppose, is the absence of household help or as we call them here, maids. Guests should not burden the hosts sa mga pinagkainan nilang plato. Walang maghuhugas noon, noh! The host will have no time to cook a 9 course dinner and then wash the dishes! Unless chef ang nag-invite sa inyo. At may sampung alalay siya
And this is the best part. Kapag uwian na, the hosts always ask the guests to bring home uneaten food. Take whatever you want. They actually want the table cleared. Kasi, sa totoo lang, all those food will go to waste. Walang paglalagyan sa ref nila or walang kakain sa bahay nila. Makakatulong ka pa kasi wala na silang ililigpit, ika nga.
At eto pa ang isa, ha. This is the unwritten rule. Kung ano ang nadatnan mong ayos ng bahay, dapat ganoon din pag-alis ‘nyo. Tumutulong ang mga guests sa pagliligpit. Everyone helps out in cleaning up the party mess. Dito sa atin, pinakain mo na, feeling guest talaga sila
Tatayo na lang at aalis. Ni hindi lilingunin ang iniwan nilang mga basura.
Well, siguro katwiran nila dito…nangumbida ka eh, magdusa ka hehe.
![]()


Saan man mapadpad, saan man mapunta, ako pa rin ang inyong ate Ella
Posted by mistiquo on February 28, 2007 at 2:57 am
ate ella:
it seems that urbanized pinoys in the philippines are now going to that direction…dati-rati yung mga disposable plates, cups, spoons and forks, trays, etc. could be found only sa mga px stores sa loob ng US bases or nearby areas…pero ngayon kahit sa maliliit na grocery stores meron na…yon nga lang, dagdag basura, dagdag baha…dahil may problema ang mga pinoy dito sa pinas pagdating sa pagdispose ng basura
Posted by maxi on March 1, 2007 at 8:52 pm
agree with you ms ella, party mo ay parang pot luck na rin di ba magaling yun nakakatulong ka pa sa host mo, saka kailangan dito dumi mo linis mo, maganda naman kasi ang skedyul ng taga hakot ng basura dito kasi kung sinasabing every friday 9-10am ang pick up ng trash siguradong andyan na sila di gaya dyan sa atin, so its okay na din gumamit ng disposable utensils.
Posted by sham23 on March 4, 2007 at 1:35 pm
wow sana ganyan dito sa pilipinas!! parang masarap laging mag PARTY pag ganyan ang ugali ng mga tao.
Posted by ella on March 5, 2007 at 10:20 pm
hi mistiquo,
oo nga, napansin ko rin. Pero yung nagsasama ng ibang tao sa mga invites medyo hindi pa rin nagbabago.
Posted by ella on March 5, 2007 at 10:23 pm
Hi maxi,
very practical kasi diyan eh di ba?
You go to a gathering because of the people not the food. ‘Yun ang diperensiya dito. Dito food first
Posted by ella on March 5, 2007 at 10:24 pm
Hi Sham,
Yup, sinabi mo. kaya hindi tayo madalas maghanda eh. Masakit na sa bulsa, masakit pa sa ulo ang pagliligpit di ba?
Posted by Tonyo on March 7, 2007 at 3:38 am
Hi Ella,
Very interesting view that we take for granted here in San Jose. I just had a party for my grandson, totoo lahat ang observation mo. If I may add, all guests come with a gift for the celebrant, in addition to the food or drinks they bring. I think that’s a small price to pay to have fun and be with people you like and don’t see everytime.
I like your blog, refreshing viewpoints here. Keep up the good work.
Posted by ella on March 9, 2007 at 12:15 am
Hi Tonyo,
Yup,’yan ang gusto ko sa mga Pinoy doon. Maybe because, hindi naman madalas ang gatherings ng mga taong may common bond eh. You’re right it’s a small price to pay to have the opportunity to be with the people you love.