Kasinlaki ng plato

Being overweight is a “real” problem in America. Subukan mong lumabas at magpunta sa mga lugar na maraming tao. Marami kang makikitang mataba as in malalaki at mabibigat. Hindi naman sila ipinangak na ganoon, no. Palusot ng iba eh namamana raw ‘yon o nasa lahi nila. There is proof, yes, but still para sa akin, it’s a load of crap.

Sabi naman ng iba, hindi raw kasi pinapawisan. Meaning, laging malamig kaya ayun, nanatili na lang sa katawan ang lahat ng kinain. Naipon ika nga. Ang sagot ko diyan, malalaki kasi ang capacity ng tummy nila. Maluwang ang bahay-pagkain hehehe.

Paanong hindi magiging ganoon, grabe sa laki ang servings sa mga fast food at restaurants nila. As in akala mo higante ang kakain at hindi pangkaraniwang tao. Nasanay na ang tiyan nila. Nahiklat na, ika nga.

To give you an idea, pagbalik ko rito sa atin, I had to eat five yumburgers ng Jollibee para makain ko ang equivalent ng isang quarter pounder ng McDonald’s sa Amerika.

Okey , ito ang kuwento ng pagkagulat ko sa laki ng serving ng isang fastfood eatery. Nag-treat ang anak ng Tita Alice sa In-N-Out, isang sikat na burger joint sa California because he works there part time. Siyempre, pinabayaan ko silang umorder para akin. Nang ilapag nila sa harap ko ang pagkain ko, na-shock talaga ako.

Joskohday, parang bibitayin na ang dating ko! Ang laki ng burger, sandamukal ang fries (sa karton na nga nakalagay) at ang laki ng baso ng soda. Apat kaming nakaupo sa mesa, feeling ko sobra pa sa aming lahat ang isang order na ‘yon. Ni hindi ko nahati ang burger, parang puputok na ang tiyan ko. Hello?? Sanay ako sa yumburger dito na kasinlaki ng mata ko, noh!

Ang masakit pa nito, refillable ang drinks mo, kahit gaano karami hanggang sa pumutok na siguro ang pantog mo. At ikaw ang kukuha, ha. May drinks station sa lahat ng fastfood joints doon. Bahala ka kung gusto mong malunod sa Coke. ‘Yung small size nila ng soda ay kasinlaki ng big natin. ‘Yung big nila kasinlaki na yata ng pitsel hehe.

Hindi pa sila nasiyahan, meron din silang sandwich na walo ang lamang burger patties, and people eat this in one sitting!

Nakakain na rin ako ng holy trinity ng Wendy’s doon, ang triple decker burger nila. Compared sa trinity dito, nagpapatawa ang Wendy’s sa Pinas. Mukhang bulilit ang triple decker nila dito, sandwich ng hobbits hehe.

One time naman, kumain kami ng breakfast sa Long Beach. Umorder ako ng pancakes. Tatlo. Remember, may pancake meal sa breakfast ng McDo dito sa atin. Pero proper restaurant naman ang kinainan namin nina Tita Alice doon, hindi fastfood.

Dumating ang inorder ko. Napanganga ang byuti ko. Jeez, kasinlaki ng plato ang pancakes! Take note, malalaki ang plates nila doon, as in humongous! At makakapal ang pancakes, ha, kasing-kapal ng mukha ko haha!

Isang beses naman, umorder ako ng Romaine lettuce with Ceasar’s salad dressing and some grilled chicken on top. Grabe, guys, palanggana na yata ang lalagyan nila. Mukhang nandoon na ang ani ng isang farm at isang buong chicken yata yung nasa ibabaw ng salad! And it was supposed to be only an appetizer, jeez!

Anyway, in conclusion, hindi ka ba tataba kung ganoon lagi karami ang kinakain mo? Hindi ba mahihiklat ang tiyan mo? Ito lang masasabi ko…limang yumburger at anim na order ng fries ang kakainin ng isang Merkano para dumighay man lang siya dito hehehe.

 

Tseke as a way of life

Post dated checks. Dalawa-singko dito sa Pinas. Para bagang mga IOUs na ginagamit ng mga Pinoy kaliwa’t kanan. Mga pangako sa utang, panigurado sa mga hulugan. Mga “advanced” na bayad sa mga renta sa mga inuupahang bahay.

Meron tayong bouncing check law. Dapat naman siguro. Aba eh ginagamit ng mga criminally bent na Pinoy ang tseke para sa ikauunlad ng kanilang mga krimen. Maraming nakulong dahil sa swindling activities using checks. Kaya ngayon sa isip ng pangkaraniwang Pinoy, kapag nilabasan mo na ng isang banig na tseke, wala nang tiwala sa ‘yo hehe. Cash lang tayo, parekoy.

Hindi kagalang-galang ang dating ng mga tseke dito, ‘ika nga. Of course, sinasamba ang mga tsekeng issued ng malalaking kumpanya at ng government agencies. I am talking about the tseke ni Juan dela Cruz, ha. ‘Yung nagtitinda ng baboy sa palengke.

Kapag makapal ang pitaka mo dito sa atin, na halos hindi na maitiklop sa dami ng lamang cash, wow, big time ka. Sa Amerika, paghihinalaan ka na hehehe. Baliktad eh no? Nobody carries that much cash around. Mga bugaw lang siguro at mga criminal elements hehe.

Ang tseke sa kanila is equivalent to cash. Sa atin, madalas equivalent to utang, collateral sa hulugang a-kinse at a-trenta o kaya con job haha! Nagbukas ako ng bank account doon. Ke checking, ke saving account ‘yon, dumating ang ATM card ko (of course, through mail, how else?) na kasama ang isang kahon. Hulaan ‘nyo ang laman ng kahon? Sandamakmak na booklets ng tseke! Subukan mong i-mail ang ATM card dito at saka mga tseke, ‘pag hindi naglaho na ‘yong parang bula hahaha!

Tapos keganda pa ng tseke ko , ha! May disenyong cute little bears. Personalized ang dating kasi may pagpipilian ka pang designs. Hehehe parang stationery noong hayskul, eh. Muntik ko nang sulatan ng love letter sa ganda niya.

Kahi’t saan , you can pay using your checks. May credibility siya. Sa department stores, sa groceries, sa restaurants, sa mga talyer. Minsan may nakita akong ale sa grocery, $1.50 lang ang bill niya, tsineke pa hehe. Of course you can do that kasi ang mga cashiers doon may authorization to check your account kung may laman nga ang bangko mo o wala.

Hindi ka puwedeng mag-shopping to death, mag-issue ng tsekeng kung ilang daang dolyar, tapos piso lang pala ang laman ng bangko mo hehe. Malalaman nila agad ‘yon. And one more important observation ko, walang nagi-issue ng post-dated checks. Walang tatanggap ng tseke mo kahit 2 0r three days lang siyang advanced.

Dito sa atin puwede kang mag-issue ng tseke kahi’t tatlong taon yata in advance hahaha! Kakaiba. Katulad na lang ng mga tiningnan kong uupahan naming bahay. Lahat sila humihingi ng eleven post dated checks. Equivalent to each month’s rent ang amount sa isang tseke. ‘Yung first month, babayaran mo na in advance, cash. Halos lahat ng paupahan, ganyan na ang palakad. And I find this practice weird.

Kasi sa Amerika, you cannot issue a check with an amount na lampas sa pera mo sa bangko. Puwede nilang i-honor ‘yon pero, shet man, ang laki ng multa. Ganoon naman talaga ang banking system.

Dito sa atin, kahi’t P500 na lang ang pera mo sa bangko, panay pa rin ang pirma mo ng mga tsekeng daang-daang libo ang halaga hehehe. Walang takot. Ang attitude nila dito, pupunuan ko na lang bago dumating ang date sa tseke. Ang nakakapagtaka, tinatanggap naman ng mga pinagbabayaran mo. Kakaiba talaga ang Pilipinas. Pati tseke ginawa nang collateral sa utang.

P.S. ‘di ba cheque ang tamang spelling noon? Bakit kaya naging check na siya? hehe

Let’s parteeey!!

Handaan. Nandito ang malaking diperensyang nakita ko sa mga Pinoy doon at dito sa atin. Dito sa Pinas, lalo na kung fiesta o kasalan o bertdeyan, kapag kinumbida ka, madalas hindi lang katawan mo ang bitbit mo. More often than not, may bitbit ka pang ibang tao kahit ikaw lang ang kinumbida. Ewan ko lang kung uso pa ito pero isasama na rin ang buong pamilya, makalibre lang ng isang tanghalian hehe. 

Kakaiba naman ang ugali ng mga Pinoy doon sa Amerika. Lagi rin silang may bitbit kapag kinumbida sila. Pero hindi buong pamilya nila, ha. They bring food, desserts and/or wine and spirits. I’ve seen some who even brought party give-aways for the other guests.

Siguro kasi mura lang ang food doon as in a big tray of Korean barbecue will cost you less than $15. Do not convert to peso or else mahal nga sa tingin ‘nyo ‘to. A good sized apple pie goes for $6 or $7. And a big sampler of cheesecake from Chessecake Factory at Sam’s (with 12 thick slices, I think) is more or less $12. A moderately good wine, less than $10.

Kaya you can imagine, kahi’t dalawang putahe lang ang handa ninyo, invite ten guests, biglang labindalawa agad ang klase ng pagkain sa mesa ninyo. I’ve seen this happen everytime. Walang paltos. Pero madalas, Pinoys cook Pinoy food to bring to a Pinoy party, like adobo, laing, lumpiang sariwa, lumpiang shanghai, kaldereta, kare-kare. Miss nila talaga ang pagkain natin. And there’s really nothing like good old home cooking.

Another thing na kapuna-puna, nobody as in nobody uses their good china for serving dishes. Nakalagay lahat ang mga ulam sa big aluminum trays. Formal platings are only done at sit-down dinners. Ang gamit ng mga bisita? Paper plates! Tapos laging may giant plastic trash bags sa isang sulok para doon mo na lang itatapon ang kinainan mo. Kanya-kanyang tapon, ha. 

One reason, I suppose, is the absence of household help or as we call them here, maids. Guests should not burden the hosts sa mga pinagkainan nilang plato. Walang maghuhugas noon, noh! The host will have no time to cook a 9 course dinner and then wash the dishes! Unless chef ang nag-invite sa inyo. At may sampung alalay siya :roll:

And this is the best part. Kapag uwian na, the hosts always ask the guests to bring home uneaten food. Take whatever you want. They actually want the table cleared. Kasi, sa totoo lang, all those food will go to waste. Walang paglalagyan sa ref nila or walang kakain sa bahay nila. Makakatulong ka pa kasi wala na silang ililigpit, ika nga.

At eto pa ang isa, ha. This is the unwritten rule. Kung ano ang nadatnan mong ayos ng bahay, dapat ganoon din pag-alis ‘nyo. Tumutulong ang mga guests sa pagliligpit. Everyone helps out in cleaning up the party mess. Dito sa atin, pinakain mo na, feeling guest talaga sila :shock: Tatayo na lang at aalis. Ni hindi lilingunin ang iniwan nilang mga basura.

Well, siguro katwiran nila dito…nangumbida ka eh, magdusa ka hehe.

 

Abuso sa hinala

Sa ellaganda, ang latest post ko ay tungkol sa pagka-paranoid ng mga puti. Hindi ako paranoid to conclude na paranoid sila, ha. Buti na lang hindi ako nagtagal doon. Siguro after a couple more years , paranoid na rin ako hehe. Nakakahawa ang sakit na ‘yon eh.

Bagong salta pa lang ako nang maranasan ko ang kakaibang paranoia na ‘to. FOB, ika nga. Pero teka muna, ano ba ang ibig kong sabihin ng paranoid? Ang pagkakaintindi ko rito ay ‘yung abuso sa paghihinala. Para bagang sa isip ng mga paranoid na tao, the rest of the world ay mga kriminal na laging may balak na masama sa kanila. Ang mga paranoid lang  ang may mabuting kalooban. Exaggerated ito I know, pero teka, paranoid na rin yata ako hahaha! :lol:

Paanong hindi ka mapa-paranoid sa bansang ‘yon eh lahat ng advertisement nila sa gamot sa TV may warning sa bandang huli. Example: Para ‘wag mabuntis, contraceptive daw, may binebenta silang kapirasong pantapal sa skin ng babae na parang maliit na Salonpas. Hindi na kailangang magsuot ng rubber ang iyong lover (hehe nag-rhyme).

Aba eh di nakakaaliw, ‘di ba? Para na ring nag-pills. Pero naman sa bandang ending ng ads, bigla kamong may magsasalita ng ganito: “Warning, this may cause heart attack.” Bwahahaha! Weird, hindi ka nga mabubuntis, dedbol ka naman sa atake sa puso. Di bale na lang, ‘no!

Noong bagong dating nga ako, naglakad ako sa paligid ng bahay nina Tita Alice. Parang ghost town. Walang tao sa daan. Sa harapan ng isang bahay, may batang naliligo sa plastic pool sa yard nila. Nadaanan ko siya twice, syempre, dahil bumalik ako para umuwi. Bigla kamong lumitaw ‘yung nanay mula sa kung saan, hinablot ang batang naliligo, sabay parang baliw na tinalakan ako. Tatawag daw siya ng pulis dahil may tangka akong kidnapin ang anak niya. WTF!! You can imagine kung gaano ako ka-shock. Puta, ‘yon ang tunay na paranoid!

Noong minsan naman  sa San Francisco, masyadong excited ako sa pagtawid. Hindi pa  “Walk” ang traffic sign para sa mga pedestrians. “Don’t walk” pa ang nakasulat pero bumaba na ako ng bangketa. Bigla akong hinila ng Tita Alice pabalik sa bangketa. kasi mahuhuli raw ako ng jaywalking. Oy, hindi pa ako tumatawid, ‘no!! Nagre-ready pa lang akong tumawid, jeez! No matter. Jaywalking pa rin daw ‘yon, $100 ang multa. Hello?? Jay”standing” ‘yon Tita, hindi jay”walking”.

Minsan naman papunta kami sa Las Vegas. Inaantok na yata si Tito Cris kaya hindi niya napansin na lampas na pala siya sa speed limit. Biglang may kasunod na kaming pulis agad at pinatabi  si Tito sa daan. Lumapit sa amin ang mamang pulis na akala ko si Shrek sa laki. Wait, hindi pala siya masyadong lumapit.

Binaba ni Tito ang salamin ng sasakyan. Puro tiyan ng mamang pulis ang nakikita ko sa bintana. Sabi niya with a booming voice, ”Keep your hands where I can see them, sir” ‘Wag aalisin sa manibela, ika nga. Tapos sabi niya “May I see your license and registration, please.” Huh?? Paano kukunin ni Tito ang lisensiya niya kung dapat nasa manibela lang ang mga kamay niya?

Sa totoo lang, guys, I was scared shitless of the mamang pulis. Sa attitude nung pulis, feeling ko may itinatago kaming bangkay sa trunk ng kotse. O kaya may stash akong isang sakong droga sa ilalim ng silya ko. All the while, ‘yung isang kamay nung pulis ay hovering sa baril niya.

Syet, sa isip ko ‘wag sanang magkamaling umutot ng malakas si Tito. Baka akala ng pulis eh putok ng baril, bigla na lang tanghaling duguang bangkay ang byuti ko……dahil sa overspeeding.

Hindi lang lang ‘yon, katulad ng naikwento ko na sa inyo, laging may posibilidad ng demanda na nakaamba sa buhay mo sa bansang ‘yon. Pero marami namang nakakalusot na mamamatay-tao at rapists kung magaling lang ang abugado. If you are the victim of rape, pagbibintangan ka pang slut bitch.

My point here is this, hindi imposibleng maging paranoid sila. Ang pananakot sa mga citizens ay subliminal. Hindi halata. Ang mga “warnings” ay kasama mo araw-araw na ginawa ng Jos. And you are your credit. Ang mga utang mo ay kakabit lagi ng pangalan mo at puwedeng kalkalin ng sino mang tao.

At ang number one na nakakatot sa kanila ay isang agency ng gobyerno. Walang matapang dito, walang nakakalusot. Lahat ng Merkano ay nanginginig ang laman pati utak pag kaharap na siya. It is the mumu of all mumu sa buhay ng mga puti. Ang pangalan niya, dear friends, ay IRS hehehe.

Are you Korean?

Waaah! Hindi lang isang beses ako tinanong ng ganyan, guys! Lalo na kapag kumakain ako ng japche sa Korean restaurant. O kaya bulgogi hehe. Ang hilig ko kasing kumalat-kalat sa Korea town eh. No, seriously, sa tinagal-tagal ko sa US (naks akala mo naman doon na tumanda eh no?) nobody, as in nobody has ever asked me “are you a Filipino?”

Siguro dahil lalo akong namutla sa weather nila? O siguro dahil sa tsinita kong mata? Minsan sumakay ako ng bus papunta sa kung saan. Daming mexicans. Naku ha, may mamang nagpapa-cute sa harap ko. Ang mga bus kasi doon magkaharap ang mga unang upuan, patagilid ika nga. Panay ang ngiti ng mama. I was sure ako ang nginingitian niya. Hello? Puro senior citizens ang mga katabi ko no!

I was warned against talking to strangers. Or encouraging these types. So, para hindi siya ma-encourage to smile more, I did not smile back. Kinalikot ko na lang ang bag ko. Palihim kong sinilip ulit ang mama. Aba at nakatitig pa rin sa akin at nakangiti pa rin ang baliw. Shet, gusto ko na siyang tanungin ng “oy, what’s so funny ha?”. Hmp, nagtulug-tulugan na lang ako.  

Palihim ko ring tiningnan ang dibdib ko, syempre hehehe. Baka lumitaw na ang dede ko eh hindi ko pa alam. Maya-maya, nagulat na lang ako, katabi ko na siya! At bigla kamong nagsalita ng Mexican. Ang daming sinabi at saka ang bilis pa. Ang nasabi ko lang eh  “Excuse me? I’m sorry, I don’t speak Spanish.” Waaah! Akala pala niya Mexicana ako. Ako yata ‘yung kababata niya noong araw sa barrio niya sa Mexico waaaah! 

In fairness naman sa mama, nag-sorry ng kutaku-takot. Sabay tanong na “You Korean?” Joskohday, Pinay ini, ano ba? Napagkakamalan akong Korean, Chinese, Japanese, Thai, Mexican at higit sa lahat tunay na Californian mwahahaha!

Alam ‘nyo, nung medyo nakahalata ako na hindi talaga mahulaan ang nationality ko, ganito na ang style ko sa mga bagong kakilala. “Hi, I’m Ella Rose. I’m a Flipina.”  O, loko, di kahit wala silang pakialam kung ano ako, mapipilitan silang kumustahin ang Pilipinas LOL.

Good morning! How are you?

May kuwento ako sa inyo. Nakakahiyang ikuwento kasi ito ay isang patunay na salbahe ako hehehe Nag-iba lang ng venue, pero salbahe pa rin.

Noong bagong dating ako sa Merika, takot na takot ako kapag kinakausap ako ng mga puti. Ewan ko ba, nasanay naman akong makipag-usap sa mga foreigners, ‘di ba? Pero iba pala ‘yung nakapaligid sa iyo ang mga foreigners na ‘yan at nagkalat sila kahi’t saan ka lumingon, no? Ay teka lang, ako pala ‘yung foreigner, sorry. Dati na nga pala sila doon :roll:

Siguro, hindi ko kasi maintindihan ang pinagsasasabi nila. Lalo na sa California. May kakaibang accent ang mga tao roon. Noong high school, napag-aralan natin ang kinds of sentences. May statement (period sa huli), may interrogative (question mark sa dulo) at may exclamatory (exclamation point sa huli). Kapag oral ang dating, may kanya-kanyang tono sila, di ba?

Eh, anak ng tokwa, bakit ba ang Californians, lahat ng sentences nila interrogative? Sagana sila sa question mark! Parang lagi kang kumukuha ng oral exam, eh. Feeling ko kapag may kausap akong puti (lalo na ang mga babae), kailangang lagi akong handa sa YES or NO ko or else bibitayin ako.

Example: (pag may question mark, ibig sabihin noon, patanong ang tono nila). “You know what?? I just came from Ralph’s?? And they have this big sale?? On lipsticks and all sorts of make-up?? But they don’t have the shade I’m looking for??” 

Ikaw namang si kausap, wala kang gagawin kundi tumango nang tumango, oo nang oo, para kang ‘yung mga laruang aso na nilalagay sa likod ng kotse, na galaw nang galaw ang ulo pag umaandar. Why oh why? Jeez, just tell me, girl don’t ask me!

Okey, meron pa silang isang bisyo na talagang kinaiinisan ko. I know I’m being weird here kasi dapat nga maaliw ako eh. Kapag nagkamali kang mag-brisk walking sa umaga sa neighborhood ninyo, o mag-stroll sa mga bangketa ng Sta. Monica Blvd., o maglakad ka lang sa kanto para bumili ng suka, humanda ka sa pangungumusta ng mga puting makakasalubong mo. Kahi’t hindi mo sila kilala.

Every morning, naglalakad ako sa paligid ng lugar nina Tita Alice. Exercise kuno pero sa totoo lang nag-uusisa ako sa mga itsura ng bahay nila :smile:. Marami akong nakakasabay sa morning walk na ito. Andiyang mga senior citizens, mga “walking their dogs”, o mga tulad kong nage-exercise.

At every morning din, nalalaman ng buong neighborhood na “I am fine, thank you”. Lahat kasi ng makasalubong ko, ngingiti (minsan may kumakaway pa, ewan ko kung bakit), titigil sandali sa paglalakad, sabay sabi ng “Good morning! How are you?”

Noong una, nalito ako. Shet, kilala ko ba ang mamang ito? Siya ba ang nawawala kong lolo? Pero wala na akong time para malito. Kailangang sumagot ako or else magpanggap na bulag o bingi o ngongo.

For several weeks, “I was fine, thank you”. And I was wondering kung talagang interesado silang malaman how I was that day. Or why were they doing this like it was a habit they could not control. Isang araw sumumpong ang kasalbahihan ko.

Aleng nakangiti: Hi! How are you this fine morning?

Ako: (biglang na-ngongo sabay iyak) My ngat naynd nis mo-ning. I ngrayd en ngrayd mat in was nen. Translation: My cat died this morning. I cried and cried but it was dead

You can imagine kung ano ang itsura ng mukha nung ale. Tinapik-tapik ang likod ko. Ako naman yumakap sa kanya at lalong bumunghalit ng iyak. Matapos niyang mataranta ng ilang minuto, biglang nagpaalam. “Okey, see you around”. Bad Ella  :evil:

Ginawa ko ‘yan sa lahat ng nagsabi ng “how are you?” sa akin for one week. Iba-ibang pet ang namatay. Andiyang may aso, may ibon, may hamster. Minsan may ahas pa eh haha :lol:  I had a very productive week. Iniwasan na nila ako after that. Aaminin ko, na-miss ko rin sila, those lonely people……..and my dear departed pets. Bad, bad Ella tsk.

Conclusion: Yup, it was just a form of courtesy. Some were genuinely friendly, though. But nobody really cared if I was petless for the rest of my life or why I was talking “ngongo”. And not even one remembered what kind of pet died…was Cutie a hamster or was it a cat?