When you’re in Rome, do what the Romans do. When you’re in Amerika, magdusa ka hehehe. Mahabang kuwento kung bakit inabot ako ng Pasko sa US and I’m definitely getting ahead of my story. Remember, March ako nagpunta doon? Pero kuwento ko muna sa inyo ang Pasko ni Ella sa Amerika.
“Dashing through the snow…..” hmmm, honestly? I was expecting some, pero dahil nasa Cali ako, nada po. Zero yelo. Umuusok ang bibig ko sa lamig pero ni isang pumatak na snowflake wala, eh. Nasiyahan na lang ako sa fake na snow na ini-spray sa bintana ala-whipped cream sa lata. Ayoko namang mag-mukhang American Christmas bashing ang post na ito, guys, but be patient with me, ok?
Patawarin ninyo ang byuti ko kung masabi kong the saddest and sorriest Christmas of my life was spent in the land of milk and honey. Huwag kakalimutan…batang Pinay ako. My entire memory of childhood Christmases is made up of counting with my fingers “kung ilang tulog na lang”.
Basta pumasok ang “ber” months, andiyan na ang mga Christmas carols sa radyo (lalo na ‘yung AM station na paborito ni Tatay, ‘yung may mamang nagmumura). Pagpasok ng November, ilalabas na ang mga Christmas trees at mga parol na nakabalot sa plastic, at ang Christmas lights na nakatago sa mga kahon. Tinseltown nang bigla ang Ayala, Greenhills at Cubao. Simula na ng dalawang buwang Paskong Pinoy
Sa Merika, buong November, ang nakita kong decor sa mga malls at mga bahay eh mga higanteng kalabasa, mga pabo at mga scarecrows (plus mga babaeng mahaba ang damit at naka-apron). Hindi lang ‘yon, kulay orange ang paligid. Nagsisimula na akong malungkot. Hinanap ng mga mata ko ang kulay red and green…..at mga parol sa ilalim ng tulay ng Buendia.
In the Philippines, you can literally feel Christmas, as in “it’s in the polluted air”. There’s this fever pitch of excitement sa buong paligid, kahi’t sa mga magtra-traysikel. May nakasabit na maliliit na parol ang mga traysikel at mga jeep. Ke may pera ke wala, nadoon pa rin ang pag-asang masaya pa rin ang Pasko.
My US Christmas was pathetic. Kumakanta ng “We Wish You A Merry Christmas” ang isip ko, pero hindi maramdaman ng puso ko. Grabe sa mga Christmas lights ang mga bahay sa California, as in ginawang wrapper ang mga ilaw – binalot ang buong bahay hanggang bubong. May kung ano-anong Christmas scenes pa sa mga yards nila, lahat ng maiisip mong modern displays sa mga malls meron, but still….it felt so cold. Hindi ‘yung dapat-magsuot ng-jacket-cold. Hindi ko ma-feel ang init ng human contact. Lagi silang nagmamadali.
We bought Christmas gifts sa mga malls. Yup, ‘yun na ang pasko activity namin. Lagi pa kaming tumatakbo kasi naka-schedule lahat ng bagay doon…..may oras ng pamimili….may nakatakdang oras lahat ng bagay. Walang simbang gabi. May pasok kasi kinabukasan. Hindi puwedeng ma-late sa trabaho.
My heart ached for the simbang-gabi. ‘Yun bang susunduin ka ng pumoporma sa ‘yo, sabay na raw kayong mag-simba kuno, sa totoo lang gusto ka lang niyang landiin sa madaling-araw. Ililibre ka niya ng bibingka o puto bumbong, ihahatid ka niya pauwi, sabay ibibili ka pa niya ng pan de sal sa panaderya pasalubong kay Tatay.
December 24, bisperas ng Pasko. Mag-isa lang ako sa bahay maghapon. Bakit kaya? It was a weekday kaya may pasok pa ang mga opisina. December 25 lang ang legal holiday sa kanila, no more, no less. So, so sad. May puso naman yata ang Merkanong boss ng mga Tito Cris, pina-uwi sila before five. Akala ko magluluto na kami ng pang-Noche Buena. Akala ko, katulad dito sa atin, mangangamoy na ang kusina sa bango ng mga nilulutong handa. Hindi pala.
Bakit daw magluluto pa, sabi ng Tita Alice, nabibili naman at nao-order kahi’t anong pagkain. May uwi silang honey-baked ham at mga tinapay. Masarap ang ham nila pero mas gusto ko pa rin ang Adelina’s. At 11:00 kumain kami ng ham at tinapay, salad na binili sa grocery, uminom ng tsokolate, natulog. Haaaay!
Araw ng Pasko….hindi makakarating ang dalawang anak ng Tita Alice. Sa ibang state nagpasko. Doon yata sa may snow. Malapit na akong umiyak…wait…umiyak na pala ako nung Christmas eve. May nag-deliver ng morcon at lechong kawali. An enterprising Pinay caterered to many Pinoy families na walang time magluto. We exchanged gifts after “Christmas lunch”. Lima lang kami. Walang magawa, so I slept until “Christmas dinner” na mga tirang ulam. ‘Yung apat na oldies watched TV but retired early. May pasok pa raw sila bukas. What an exciting day….
Hindi ko na kailangang isulat dito kung ano ang Paskong Pinoy dito sa Pilipinas. Alam kong nami-miss din ito ng mga kababayan nating napilitang umalis ng bansa. Ang ingay ng mga batang nagkalat sa kalye come Christmas morning. Lahat may suot na bagong damit, pupunta na sa bahay ng mga ninong at ninang. Walang patid ang dating ng mga kamag-anak. Hindi lang isa…isang buong pamilya. Tawanan, palitan ng regalo, inuman.
Yes, nandito na ako sa Pinas. Pero nalulungkot pa rin ako. Dahil ang mga call centers ay kadugtong ng Amerika, walang nagsasarang call center sa araw ng Pasko. Hindi rin sila puwedeng mag-absent. Unti-unti na tayong kinakain ng “Exciting American Christmas day”. Dadating din ang panahon, snow na lang ang kulang, we will all have a merry, merry American Christmas!
Recent Comments